Dokumento na ugnayan ng MILF at Marwan inilabas
MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na may malapit na ugnayan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Jemaah Islamiyah sa napatay na si Zulkifli bin Hir, alias “Marwan” sa Mamasapano,Maguinsanao noong Enero 25 matapos na ilabas nito ang isang dokumento.
Sinabi ni Cayetano,maliwanag na nagsinungaling ang mga kinatawan ng MILF na humarap sa pagdinig sa Senado ng itinanggi nilang may kaugnayan sila kay Marwan.
Iginiit ni Cayetano na para rin siya sa pagsusulong ng kapayapaan pero hindi na umano sa grupo ng MILF kung hindi sa bagong grupo na gusto talagang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.
Kung nais umano ng MILF na kausapin pa sila ng gobyerno dapat na maging matapat sila at sabihin ang totong naging relasyon kay Marwan.
Inilabas ni Cayetano ang dokumento mula sa United States District Court ng Northern District of California kaugnay sa kasong kinakaharap nina Marwan at kapatid nitong si Rahmat Abdhir kung saan mababasa ang palitan nila ng komunikasyon sa pamamagitan ng e-mails.
Nabanggit ni Marwan sa kanyang e-mail sa kapatid ang malapit na ugnayan niya sa ilang komander ng MILF.
Sa ilang ilang bahagi ng e-mail humihingi ng pera si Marwan sa terrorist network sa ibang bansa upang ipambili ng mga baril sa pamamagitan ng kanyang kapatid.
Kabilang sa e-mail ni Marwan sa kapatid noong May 11, 2007 ang sumusunod, “Even here, last night three persons entered the area at eleven were shot by the guards but none were hurt…managed to escape. I do intend need an M14 and M203. Even a Moro M 203 would do because an original M203 costs $2,000. There is no Moro M14. If you can, do try.”
Magugunita na naudlot ang pagdinig ng Senado sa Bangsamoro Basic Law matapos mapatay 44 miyembro ng SAF at kabilang sa mga sinisisi ay ang MILF.
- Latest