^

Police Metro

DOH: Pinay nurse, nagpositibo sa MERS-CoV

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na Pinay nurse mula Saudi Arabia ang kinumpirma ng Department of Health na  nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) nang ito ay dumating noong Peb­rero 1 sa bansa.

Pebrero 10 naman nang i-confine ito sa negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos makaranas ng lagnat, body pains, ubo at hirap sa pahinga na pawang mga sintomas ng sakit.

Stable na umano ang kondisyon ng Pinay pero patuloy na mino-mo­nitor sa RITM hangga’t hindi pa ito nagne­negatibo sa MERS-CoV.
Kasamang na-confine ng nurse ang kanyang asawa dahil kasama niya itong bumiyahe sakay ng Saudia Airlines flight 860, subalit nag-negatibo naman ang mister.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ang mga kaanak ng Pinay nurse. 

Magsasagawa na ang DOH ng contract tracing sa mahigit 200 pasahero ng naturang biyahe.

Nanawagan din ang kagawaran sa mga nakasamang pasahero sa eroplano na makipagtulungan at sumailalim sa pagsusuri.
Ito ay lalo na kung nakadama ng mga sintomas ng sakit 14 araw matapos ang biyahe.
Ang naturang Pinay nurse ang unang kaso ng MERS-CoV na na-diagnose sa bansa.
Noong Setyembre 2014  may isa na ring Pinay nurse na nagpositibo sa MERS-CoV. Nakauwi na ito sa Pilipinas nang lumabas ang positibong resulta ng test sa Saudi Arabia. Pero nag-nega­tibo naman na ito nang isailalim sa panibagong test sa bansa.- Doris Franche-Borja, Ellen Fernando-

 

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE-BORJA

ELLEN FERNANDO

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS

NOONG SETYEMBRE

PINAY

RESEARCH INSTITUTE

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with