^

Police Metro

Roxas sumaludo sa SAF

Joy Cantos - Pang-masa

“Magkakasama tayo. At magtutulungan upang mas lumakas pagkatapos nito.”

MANILA, Philippines – Ito ang tiniyak  ni  Interior at Local Government Secretary Mar Roxas  sa mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kasabay ng pangakong gagawin ng gobyerno ang lahat upang masuportahan ang mga pamilya ng kanilang kasamahan na namatay sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25.

Isang araw matapos iuwi ang labi ng 42 sa tinawag na “Fallen 44” sa kanilang mga lalawigan, pinara­ngalan at pinasalamatan ni Roxas ang mga pulis na lubos na nagsakripisyo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

“Nagtipon tayo sa ngalan ng isang lubos na nagpapasalamat na bansa,bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan,” wika ni Roxas na lumahok din sa isang salo-salo kasama ang mga opisyal at tauhan ng SAF sa kanilang headquarters kamakalawa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Roxas, maitutulad ang munting salu-salo sa pagsasama-sama ng mga pamilya sa pagkain upang alalahanin ang mga yumao nang mahal sa buhay.

“Tulad ng ibang pamilya, nagtipon tayo ngayon nang walang pakay, walang agenda, kundi para lang magkasama-sama,” ani Roxas.

“Walang duda, ginampanan ng SAF lalo na ‘yung 44 at 15 (sugatan) ang kanilang tungkulin with utmost courage to the unit, to the flag. The SAF got their man.”

Nilinaw din ni Roxas na mahalaga ang papel ng Board of Inquiry para masagot ang maraming katanungan.

“Ang Board of Inquiry na ito, tapat, hayag at masasagot ang katanungan bilang respeto sa alaala ng mga pumanaw,” pagwawakas ni Roxas.

ANG BOARD OF INQUIRY

AYON

BOARD OF INQUIRY

CAMP BAGONG DIWA

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

ROXAS

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with