^

Police Metro

Bebot inutas ng lover, bangkay inilagay sa banyo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang babae sa loob ng isang banyo nang ito ay pagsasaksakin ng kanyang live-in partner dahil sa selos kahapon ng madaling araw sa Navotas City. 

Ang nasawi ay kinilala lamang sa alyas na “Angel”, nasa hustong gulang, ng Sawata, Brgy. 35, Caloocan City.  

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Ben Linong, 29, obrero.

Batay sa ulat bago natagpuang patay ang biktima ay nagtungo ito sa bahay ng kapatid na babae ng suspek sa may Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas kung saan dito sila nag-inuman ng suspek.

Nang kapwa malasing ay nag-umpisa nang magtalo ang dalawa ukol sa hinalang panlalalaki ng biktima hanggang sa pagsasaksakin at saka itinago ang bangkay sa banyo.

Bago tumakas ang suspek ay sinabi nito sa kapatid na babae ang ginawang krimen.

vuukle comment

BATAY

BEN LINONG

BRGY

CALOOCAN CITY

NANG

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

PATAY

SAWATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with