Millora-Brown bumuo ng pamilya sa UP
MANILA, Philippines — Bagama’t kaagad nagtapos ang kanyang paglalaro para sa bagong UAAP champions na University of the Philippines, itinuturing na ni Quentin Millora-Brown ang kanyang mga teammates at coaches bilang pamilya.
“These friendships are friendships that are for life. Similar to my move to join UP to continue my family’s legacy, I’ve now gained another family of my own with these guys,” sabi ng 6-foot-10 Fil-Am.
Ang krusyal na dalawang free throws ni Millora-Brown sa huling 11.3 segundo ng fourth quarter ang nagbigay sa Fighting Maroons ng 66-62 panalo kontra sa La Salle Green Archers sa Game Three ng Season 87 UAAP men’s basketball championships.
- Latest