3 online seller inaresto sa pagbebenta ng iligal na paputok
MANILA, Philippines — Tatlong indibidwal na sangkot sa online na pagbebenta ng mga iligal na paputok ang inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kasunod nang sunud-sunod na operasyon sa Metro Manila at Olongapo City.
Ang mga operasyon, na isinagawa noong Disyembre 6, 11, at 16, ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 541 piraso ng ipinagbabawal na paputok, kabilang ang mga sikat na uri tulad ng “Five Star,” “Kwitis,” at “Pastillas at nasa P14,370 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang paputok.
Ang crackdown na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng PNP para tugunan ang iligal na online na pagbebenta ng paputok sa panahon ng Kapaskuhan, na pinag-ugnay ng PNP Civil Security Group.
- Latest