^

Police Metro

Pinay na misis, binugbog na pinosas pa... sadistang aussie kalaboso

Pang-masa

MANILA, Philippines - Rehas ang kinabagsakan ng isang 67-anyos na sadistang Australyano matapos itong ireklamo ng pambubugbog, pagkukulong at pagpoposas sa kaniyang misis sa Castillejos, Zambales kamakalawa.

Ayon sa pulisya, inareto ang suspek na si Wayne Packham at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 Anti Violence Against Women and Their Children Law, serious illegal detention ng kaniyang Pinay na misis na itinago sa pangalang Bella, 41 anyos.

Ang kaso na walang inirekomendang piyansa ay isinampa na kahapon sa Provincial Prosecutor Office ng Olongapo City.

Ang ginang na nagpatago sa pangalang Bella ay nailigtas ng mga Barangay Tanod habang nakaposas sa laundry area ng kanilang tahanan sa Brgy. San Pablo, Castillejos ng nasabing lalawigan, nang marinig ng mga ito ang sigaw ng biktima na umiiyak na humihingi ng tulong dahil binugbog at ipinosas ng suspek.

Ayon sa ginang dakong alas-6:30 ng gabi nang magtalo umano ang nasabing ginang at ang suspek matapos na mag-good time ang nasabing biktima kaya nagtalo ang dalawa na nauwi sa pananakit ng suspek.

Nagbanta pa umano ang dayuhan na may hawak na kutsilyo na papatayin siya, ang kanilang mga anak at ang kaniyang mga magulang kung saan tatlong oras siya nitong pinagsasampal at sinaktan.

Sinabi ng ginang na ng tanggalin ng dayuhan ang busal na masking tape sa kaniyang bibig ay sinamantala niya ito upang sumigaw at humingi ng tulong na nakaagaw naman ng atensyon sa mga barangay tanod sa lugar. (Joy Cantos)

ANTI VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN LAW

AYON

BARANGAY TANOD

BELLA

CASTILLEJOS

JOY CANTOS

OLONGAPO CITY

PROVINCIAL PROSECUTOR OFFICE

REPUBLIC ACT

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with