^

Police Metro

3 paslit nasawi sa sunog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magkakayakap na natagpuang patay ang tatlong paslit sa silid matapos na nakulong sa nasusunog nilang kuwarto nang iwan sila ng kanilang nanay kamakalawa sa Calamba City, Laguna.

Ang magkakapatid ay kinilalang sina Kurth Andrew, 5; Justine Maru, 4 at Kyla Jane Lamsen, 2.

Sa ulat ng hepe ng fire department na si C/Inspector Edwin Vargas na dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang sunog sa Block 3, Lot 2 at 3, Calle Simpatico, Phase 2, Villa Remedios, Brgy. Halang ng nasabing bayan.

Bago ito, dakong ala-1:45 ng hapon ay sandaling iniwan ng ina ang tatlo niyang anak para tumaya sa kalapit na STL outlet at bandang alas-2:40 ng hapon nang bumalik sa bahay ay naamoy na ang usok mula sa silid ng mga anak.

Pagbukas ng pinto ay sumalubong ang makapal na usok na bumalot na sa buong silid dahil sa nasusunog nilang sofa.

Agad na hinanap ang tatlong anak at duon na niya natagpuan ang mga ito na nasa isang sulok na pinaniniwalaang nasawi dahil sa suffocation.

Mabilis na napatay ang sunog at hindi na kumalat pa sa buong kabahayan.

Malaki ang hinala ng pulisya na naglaro ng posporo ang tatlong paslit.

vuukle comment

BRGY

CALAMBA CITY

CALLE SIMPATICO

HALANG

INSPECTOR EDWIN VARGAS

JUSTINE MARU

KURTH ANDREW

KYLA JANE LAMSEN

MABILIS

VILLA REMEDIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with