^

Police Metro

Bagyong Amang ‘banta’ kay Santo Papa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maituturing na banta ang Bagyong Amang sa Visayas na lugar na dadalawin ng Santo Papa ngayong araw.

Sa ulat, ng PAGASA, alas-11:00 ng umaga kahapon ay namataan si Amang sa layong 560 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa  90 kilometro bawat oras.

Kumikilos si Amang pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Nakataas ang signal no.1 sa mga lugar ng Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Burias Island, Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao Island sa Luzon gayundin sa Northern Samar, Eastern Samar,
Samar, Biliran at Leyte sa Visayas.

Ngayong umaga, ang Bagyong Amang ay inaasahang nasa layong 180 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at sa Linggo ng umaga ay inaasahang nasa layong 40  kilometro hilagang silangan ng Legazpi City sa Bicol at sa Lunes ay nasa bisinidad ng Baler, Aurora.

ALBAY

BAGYONG AMANG

BORONGAN CITY

BURIAS ISLAND

CAMARINES SUR

EASTERN SAMAR

LEGAZPI CITY

NORTHERN SAMAR

SANTO PAPA

TICAO ISLAND

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with