Opisyal ng pulis sinaksak sa leeg ng adik
MANILA, Philippines - Nasugatan ang isang opisyal ng Manila Police District-station 2 nang saksakin ng gunting sa leeg ng isang lalaking ‘bangag’ sa iligal na droga sa mismong gate ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si MPD-station 2 deput chief, C/Insp. Roberto Mupas, 36, ng no. 2424 Bonifacio St., Tondo na ginagamot sa hindi binanggit na ospital.
Agad na nadakip ang suspek na si Dennis dela Rosa, 22, ng no. 435 Pinoy St., Tondo na kinasuhan ng attempted murder.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay tinawag ng suspek ang biktima at paglabas nito sa gate ay agad na sinaksak sa leeg.
Ayon sa suspek nagalit siya sa biktima dahil binabalewala umani siya nito.
- Latest