^

Police Metro

Dalaga kinidnap/ni-rape ng basted na manliligaw

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinidnap at hinalay ang isang 24-anyos na dalaga ng kanyang manliligaw at apat nitong barkada sa Brgy.Mabuhay, Buug, Zamboanga Sibugay.

Nitong Lunes ng alas-11:30 ng umaga nang makatakas ang biktima na itinago sa pangalang Lolita sa bahay na pinagdalhan sa kanya ng mga suspek.

Sa imbestigasyon,dakong alas-9:00 ng gabi noong Sabado nang dukutin ang biktima ng mga suspek sa harapan ng Buug Pilot Central Elementary School.

Ang mga suspek  ay kinilalang sina Alan Ilustrisimo, binasted na manliligaw at apat nitong kasama na sina Ariel Ilustrisimo, Marvin Laurente, Leo Pacatang at Leonard Pacatang.

Dinala ang biktima ng mga suspek sa  isang abandonadong bahay ng isang Amar Rustia, tiyuhin ni Allan sa Brgy. Mabuhay, Buug, Zamboanga Sibugay kung saan dito siya hinalay.

Nang makakuha ng pagkakataon ay tumakas ang dalaga at nakabalik sa kanilang bahay sa tulong ng ilan nitong kamag-anak na naninirahan malapit sa lugar.

Nasakote ang mga suspek na sina Ilustrisimo, Pacatang at Leonard habang patuloy pa ang pagtugis sa dalawa pang suspek.

vuukle comment

ALAN ILUSTRISIMO

AMAR RUSTIA

ARIEL ILUSTRISIMO

BRGY

BUUG

BUUG PILOT CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

LEO PACATANG

LEONARD PACATANG

MABUHAY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with