^

Police Metro

Karamihan ay piccolo... naputukan pumalo na sa 140

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong araw bago salubungin ang Bagong Taon ay pumalo na sa 140 kaso ng nasugatan sa paputok.

Batay sa ulat kahapon sa Firecrackers Injury Registry ng DOH ay 139 dito ang naputukan habang isa naman ang nakalunok ng pulbura ng piccolo na inakalang candy.

Ang nasabing bilang ay sumasaklaw lamang mula Disyembre 21 nang sinimulan ang monitoring hanggang nitong Disyembre 29.

Lumalabas pa ring nangunguna ang piccolo sa may  pinakamaraming nabiktima  na umabot sa 94.

Ayon kay Health Assistant Secretary Elmer Punzalan,mas dapat pag-isipan ng mamamayan  ang long term-effect sa halip na pangkasiyahan ng okasyon at ng Bagong Taon dahil sa oras na maputukan at mawalan ng parte ng katawan o paningin ay habambuhay na itong pabigat sa buhay.

Ang Maynila ang maituturing na may pinakamatigas na ulo dahil nangunguna na naman sa may pinakamataas na bilang ng naputukan kasunod ang Pasig City at ikatlo ang Las Piñas.

vuukle comment

ANG MAYNILA

AYON

BAGONG TAON

BATAY

DISYEMBRE

FIRECRACKERS INJURY REGISTRY

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ELMER PUNZALAN

LAS PI

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with