^

Police Metro

Preso iniwan sa ospital, namatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang preso mula sa Manila City Jail ang dinala ng kanyang kapatid na babae sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na nasawi matapos na ito ay atakihin sa puso.

Nabatid na itinawag ng ospital sa pulisya ang  namatay na si Willyhado Gueta, 53, na nalagutan ng  hininga noong Disyembre 25, bandang alas-3:20 ng madaling araw.

Nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt na may tatak na Manila City Jail Detainee si Gueta.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na isang babae na kapatid ng biktima ang kasama  nito sa pagamutan  at  iniwan ito.

 Matapos madala sa pagamutan, hindi na nagbalik ang babae.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na pinaniniwalaang inatake.

Ang ipinagtataka ng pulisya kung bakit ang nagsugod sa biktima sa pagamutan ay ang kapatid nito at hindi mga jailguards na isang regulasyon ng Bureau of Jail Management and Peno­logy na  kaila­ngan na bantayan ang sinumang  detainee  sa kulungan man o ospital.

 

DISYEMBRE

GUETA

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA CITY JAIL

MANILA CITY JAIL DETAINEE

WILLYHADO GUETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with