^

Police Metro

Papuntang simbahan... dalaga ni-rape sa harap ng nobyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang magkasintahan ang magsisimbang gabi sana ang naholdap na kung saan ay ginahasa pa ang babae sa harap ng kanyang nobyo kamakalawa sa Bacolod City.

Itinago sa pangalang Alyssa, 18 ang babae habang ang nobyo naman nito ay nagpatago sa pangalang Carlo, 19, na nagharap ng reklamo sa pulisya.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng madaling-araw ay naglalakad ang magkasintahan para dumalo sa simbang gabi sa Holy Family Parish Church na matatagpuan sa Brgy. Handumanan.

Bigla na lamang nakaramdan nang tawag ng kalikasan si Alyssa at habang umiihi sa bakanteng lote ay biglang lumabas ang dalawang lalaki mula sa taniman ng tubo at  nagdeklara ng holdap.

Tinutukan ng patalim ang magkasintahan at  inutusan ang mga ito na maghubad ng kanilang mga damit.

Isa sa mga suspek ang nangmolestiya sa dalaga at ginahasa  sa harapan ng nobyo na walang nagawa dahil sa nakatutok ang patalim.

Matapos ang panghahalay ay puwersahang kinuha ng mga holdaper ang sling bag ng babae na naglalaman ng dalawang cellular phones at P140 cash habang kinuha rin ang kagamitan at pera ng nobyo nito.

Nagsampa ng reklamo ang magkasintahan sa Bacolod City Police Station 10 na nagsagawa ng follow-up operation at nasakote ang dalawang suspek na pawang 18 anyos.

Nakapiit na sa detention cell ang mga suspek na nahaharap sa kasong rape with robbery.

vuukle comment

ALYSSA

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE STATION

BATAY

BIGLA

BRGY

HANDUMANAN

HOLY FAMILY PARISH CHURCH

ISA

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with