18 taon kulong hatol sa ex-Misamis governor
MANILA, Philippines – Mula 10-18 taon na pagkakulong ang inihatol ng Ombudsman laban sa Sandiganbayan ng isang dating gobernador ng lalawigan ng Misamis Oriental dahil sa kasong malversation.
Bukod sa kulong, inutusan din ng graft court si ex- Misamis Oriental Governor Antonio Calingin na magbayad ng multang P2,082,385.00 dahil sa naturang kaso at pinagbabawal na itong magtrabaho sa alinmang posisyon sa gobyerno.
Pinababalik din dito ng Sandiganbayan sa lalawigan ng Misamis Oriental ang katulad na halaga na P2,082,385.00 na nawala sa kaban ng naturang lalawigan.
Sa record ng graft court, napatunayan na noong nakaposisyon bilang gobernador si Calingin sa naturang lalawigan mula July 1998 hanggang July 2004 ay dalawang Toyota 4x4 Hi-Lux na sasakyan na may halagang P2,082,385.00 ang naka-assign dito bilang service vehicles.
Noong 2003, napatunayan na si Calingin ay guilty sa kasong dishonesty, gross negligence at grave misconduct dahil sa nawawala ang naturang mga sasakyan kayat nasuspinde ito sa posisyon ng anim na buwan ng walang sahod.
- Latest