Pemberton ipinakukulong sa city jail
MANILA, Philippines – Dapat ikulong sa ordinaryong city jail si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.
Ito ang paniniwala ni Senator Miriam Defensor-Santiago matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban dito.
“Normally, any person who has been formally accused in court goes to city jail. So Pemberton should go there. The normal measure for Filipinos should be taken as the normal measure as well,” ani Santiago.
Si Pemberton ay kinasuhan ng murder sa pagpatay sa transgender na si Jaime Laude.
Kung hindi ikukulong sa isang city jail si Pemberton ay maliwanag na magkakaroon ng diskriminasyon sa bansa pabor sa isang banyaga.
Samantala, iginiit ni US Ambassador Philip Goldberg na manatili sa kanilang kustodya si Pemberton matapos na magpadala sila ng notice sa pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa kanilang intensiyon na manatili sa kanilang kustodya si Pemberton sa ilalim ng proseso ng batas nang magpalabas ang Olongapo City RTC-Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde ng warrant of arrest.
Sa ilalim ng PH-US Visiting Forces Agreement (VFA), maaaring hilingin ng pamahalaan ng Pilipinas ang kustodya sa American serviceman na nahaharap sa kasong kriminal.
Sa kasalukuyan nakaditine si Pemberton sa Mutual Defense Security Board-Security Engagement Board (MDB-SEB), ang pasilidad ng US sa loob ng Camp Aguinaldo kung saan ito dinala noong Oktubre 22.
- Latest