^

Police Metro

Bading inutas ng lover

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang bading matapos na saksakin ng lover nang tumanggi itong magbigay ng pera kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronaldo Arceo, 52, ng Malvar Extension, Brgy. J. Dela Peña, ng Marikina City.

Pinaghahanap naman ang lover ng biktima na nakilala lang sa pangalan Jay-R, 25, tubong Zamboanga  at residente ng Camacho St., Brgy. Nangka, ng lungsod.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-10:50 ng gabi sa mismong loob ng bahay ng biktima ay narinig ng nakababatang kapatid ng biktima na si Ruben Arceo na nagmamakaawa ito at humihingi ng saklolo.

Nang puntahan ang bahay ay nakitang tumatakbo ang suspek na nakahubad kasunod ang biktima na duguan.

Walang naglakas loob na humarang sa suspek dahil sa armado ito ng patalim kung kaya’t malaya itong nakatakas.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAMACHO ST.

DELA PE

IDINEKLARANG

MALVAR EXTENSION

MARIKINA CITY

RONALDO ARCEO

RUBEN ARCEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with