^

Police Metro

Mga rapist puntirya ni Miriam.. Parusang bitay binuhay sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - DAHIL sa paglobo ng bilang ng mga rape victim sa  bansa na karamihan ay mga bata, iginiit ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagbuhay sa parusang bitay bilang pinakamabigat na parusa sa mga rapists.

Sa Senate Bill 2462 na inihain ni Santiago nais nitong amyendahan at palakasin ang Anti-Rape Law of 1997 upang gawing habambuhay na pagkabilanggo hanggang death penalty ang parusa.

Sa panukala ni Santiago, kapag ang rape ay  naisagawa gamit ang isang deadly weapon o ginawa ng dalawa o mahigit pang tao, ang parusa ay “reclusion perpetua to death”.

 Kung mababaliw o magkakaroon ng psychological disorder ang biktima o magiging dahilan ang panggagahasa ng tangkang pagpapakamatay o pagkamatay ng biktima, ipapataw din ang parusang kamatayan.

Idiin ni Santiago ang pahayag ng Philippine National Police
Criminal Investigation and Detection Group’s Women and Children’s Protection Unit, na nag-ulat na karamihan sa mga nagiging biktima ng sexual abuse ay mga kabataan na may edad 13 hanggang 15.

Malaki ang paniniwala ni Santiago na kung itataas ang edad para madetermina ang statutory rape ay mabibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan.

Samantala, kabilang sa mga senador na sumusuporta sa pagbuhay ng parusang bitay sa Senado ay si acting minority lea­der Vicente “Tito” Sotto III para naman sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.

ANTI-RAPE LAW

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

IDIIN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROTECTION UNIT

SA SENATE BILL

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with