^

Police Metro

OIC ng ahensiya ng gobyerno walang ‘K’ manibak -Malacanang

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang karapatan ang isang officer in charge ng ahensiya na manibak o magpatupad ng anumang rigodon sa kanyang tanggapan.

Ito ang iginiit ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte at limitado lamang ang kapangyarihan ng isang acting secretary o officer in charge ng ahensiya ng gobyerno.

Anya, ang presidential appointees ay puwede lamang masibak sa kanilang trabaho kung mayroon itong pahintulot ni Pangulong Aquino.

Magugunita na napaulat na inalis ni DOH Acting Sec. Janet Garin si Asec. Eric Tayag sa puwesto nito at ibinalik sa kanyang dating posis­yon bilang director IV ng ahensiya.

Bukod kay Tayag ay babalik sa University of the Philippines si Usec. Teodoro Herbosa  na naapektuhan ang ipinatupad na streamline ng Department of Health gayung on leave pa lamang si Health Sec. Enrique Ona at itinalaga lamang siyang officer in charge hanggang sa makabalik si Ona sa Nov. 28.

Nilinaw ni Garin na hindi demotion ang nangyari kay Tayag kundi ibinalik lamang ito sa kanyang original position habang si Usec. Herbosa naman ay matatapos na ang kanyang kontrata sa DOH.

ACTING SEC

DEPARTMENT OF HEALTH

ENRIQUE ONA

ERIC TAYAG

HEALTH SEC

JANET GARIN

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with