VM Joy B, isinusulong ang gender equality
MANILA, Philippines - Binigyang katiyakan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na isusulong ng kanyang tanggapan ang gender equality laluna sa hanay ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community sa lunsod.
“Hindi po sila naiiba sa atin kaya marapat lamang na ipakita at igawad sa kanila ang ating pang-unawa,” pahayag ni Belmonte.
Ang pahayag ni Belmonte ay bilang paghahanda sa paglulunsad ng QC International Pink Festival sa December 9.
Ang pagpasa sa Gender-Fair City Ordinance ay isang positibong hakbang ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng patas na pagtingin at pagpapahalaga sa LGBT.
Ang naturang ordinansa ay layung alisin ang deskriminasyon sa sexual orientation, gender identity at expression sa mga opisina, edukasyon, access to basic services at akomodasyon.
- Latest