^

Police Metro

QC anti-illegal drug task force binuhay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling binuhay nina QC Vice Mayor Joy Belmonte at QC Police Chief  P/Senior Superintendent Joel Pagdilao  ang Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa 12 police stations bilang bahagi ng pinalakas na kam­panya laban sa illegal na droga sa lungsod.

Kinilala ni VM Belmonte, chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCDAAC) ang mu­ling pagbuhay sa task force  sa isang simpleng seremonya sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal.

Ayon kay P/SSupt. Pagdilao  na ang reactivation  ng  SAID-SOTG na inalis ni dating QCPD director Richard Albano ay ginawa bilang tugon na rin sa mga ginawang konsultasyon na pina­ngasiwaan ng QCDAAC at mga opisyal ng mga barangay sa lungsod.

Isang orientation seminar na tinawag na “QCPD at Barangay Tulong-Tulong sa Pagpuksa ng Illegal na Droga!” ang isinagawa upang mabigyang kaalaman ang mga tauhan ng pulisya sa itinatakda ng batas para dito.

AYON

BARANGAY TULONG-TULONG

BELMONTE

CAMP KARINGAL

DRUG ABUSE ADVISORY COUNCIL

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

POLICE CHIEF

RICHARD ALBANO

SENIOR SUPERINTENDENT JOEL PAGDILAO

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with