^

Police Metro

5 miyembro ng robbery group, timbog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natimbog ng mga otoridad ang limang miyembro ng Tala robbery/gun for hire gang nang salakayin ang hideout ng mga ito sa  Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawa sa mga naaresto na sina Kharil Angni at Ernesto Glema at isa pang hindi natukoy na pawang nasa hustong gulang at dalawang menor de edad.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Highway Patrol Group (HPG), Special Action Force (SAF), Regional Public Safety Battalion (RPSB)  ang sampung kabahayan sa Phase 12, Brgy. 188 ng nasabing lungsod.

Isinilbi sa grupo ang apat na warrant of arrest sa mga kasong robbery/holdup, carnapping, gun for hire at kidnapping for ransom.

Nabigong masakote ang lider ng grupo na pinaniniwalaang natunugan ang operasyon.

Nasamsam rin sa operasyon ang P1.3 M cash, ilang sachet ng shabu at walong motorsiklo na gamit ng nasabing gang sa kanilang illegal na aktibidades  at  mga armas na kinabibilangan ng isang M16 rifle at dalawang cal. 45 pistol.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ERNESTO GLEMA

HIGHWAY PATROL GROUP

ISINILBI

KHARIL ANGNI

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with