^

Police Metro

Lasing na lalaki inatado ng magkapatid

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang tinadtad na karne ang katawan ng isang 40-anyos na lasing na lalaki matapos na siya ay pagtatagain ng isang magkapatid na pinatulan ang hamon nitong away naganap kamakalawa sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Arnold Gumano, residente ng  Barangay Misok, Sindangan ng lalawigan. Habang ang magkapatid na suspek na nadakip ay kinilalang sina Mario at Jannyboy Su­mimpan, 23, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa ta­hanan ng mga Sumim­pan.

Nabatid bago ang insidente dakong 12:30 ng tanghali ay pinilit umano ng half brother ng biktima na si Ete Bayubay na uminom ng tuba ang magkapatid na suspek.

Subalit, tumanggi ang mga ito dahil na rin sa hindi pa sila nananghalian.

Agad na nagalit si Ete at hinamon ng away ang dalawa  na kinasahan naman ng mga ito dahilan upang sila ay magsuntukan kung saan umawat ang ina at kapatid ng biktima na pinauwi na ito sa kanilang bahay.

Ang pagpapauwi kay Ete ay nasaksihan ng biktima na umano’y nagkimkim ng galit at pagsapit ng 4:30 ng hapon ay sumugod ito sa bahay ng mag-utol at naghamon ng patayan na pinatulan naman ng mga suspek na humantong sa tagaan na ikinamatay nito. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

ARNOLD GUMANO

BARANGAY MISOK

BATAY

ETE BAYUBAY

HABANG

JANNYBOY SU

JOY CANTOS

MARIO

SINDANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with