^

Police Metro

Pinalakol na, sinaksak pa... ginang inatado ng selosong mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos maghiwalay ang katawan ng isang 25-anyos na ginang matapos na siya ay pagpapalakulin at pagsasaksakin ng kanyang selosong mister  naganap kamakalawa sa Tupi, South Cotabato.

Ang biktima na namatay agad ay kinilalang si Rona Mae Villarubia.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mister nito na si Argie Villarubia, 30, dahil sa tangkang pagpapakamatay nang saksakin ang dibdib ng dalawang beses.

Sa ulat ni Tupi police chief, Chief Inspector Larry Salcedo, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa Notre Dame Farm, Purok 10, Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Bago ang krimen ay sinumpong ng sakit na depresyon ang suspek at agad na dinaluhong ng saksak ang walang kamalay-malay na misis at nang bumulagta ay pinagpapalakol pa ito.

Nang mapatay ang misis ay tinangka  ng suspek na magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak ng dalawang beses sa kaniyang dibdib subalit, hindi napuruhan.

Nabatid na isang linggo nang hindi nakakainom ng gamot ang suspek na dumaranas ng depresyon at nadagdagan pa ng pagseselos nito kaya’t nagawa ang krimen.

Ipinasalamat din ng pulisya na wala sa bahay ang anak nilang 3-anyos na batang lalaki na nagkataong nasa kaniyang lola.

Nakatakdang sampahan bukas ang suspek ng  kasong parricide sa Koronadal City Prosecutors Office.

vuukle comment

ARGIE VILLARUBIA

BRGY

CHIEF INSPECTOR LARRY SALCEDO

IPINASALAMAT

KORONADAL CITY PROSECUTORS OFFICE

NABATID

NAKATAKDANG

NOTRE DAME FARM

RONA MAE VILLARUBIA

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with