157 Pinoy peacekeepers, biyaheng Haiti
MANILA, Philippines - Patungo na sa Haiti ang panibagong grupo ng mga sundalong Pinoy na magsisilbing peacekeepers sa ilalim ng United Nations (UN).
Pinangunahan kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gregorio Catapang ang send off ceremony ng 157 miyembro ng Philippine Navy (PN) sa Villamor Airbase.
Binubuo ito ng 11 officers at 146 enlisted personnel kasama ang 33 mula sa Philippine Marine Corp at pito sa bagong grupo ay babae.
Makakasama nila ang peacekeepers mula sa ibang bansa sa ilalim ng United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH).
Inaasahang tatagal ng anim hanggang siyam na buwan sa Haiti ang mga ito.
Papalitan nila ang 17th contigent na pinamunuan naman ni Captain Luzviminda Camacho, ang unang babaeng contingent commander na 11 buwan ang itinagal sa Haiti.
- Latest