Fish kill sa Valenzuela
MANILA, Philippines - Tone-toneladang patay na mga isda ang naglutangan sa Valenzuela City makaraang tumama ang matinding baha dulot ng bagyong Mario sa Metro Manila.
Nagrereklamo na ang mga residente ng Barangay Malanday sa masangsang na amoy at iba ay nagsusuka na.
Ayon sa mga tagapamahala ng mga fishpen, hinininala nila na ang kontaminadong tubig buhat sa Meycauayan, Bulacan ang sanhi ng naturang fishkill.
Inaalam din kung naapektuhan ang kemikal na komposisyon ng tubig sa paghalo ng baha dulot ng walang humpay na ulan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Mario at habagat.
- Latest