^

Police Metro

9 ‘Yolanda’ victims nasagip sa flesh trade

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na babaeng biktima ng human trafficking ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 2nd Avenue, Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) Chief Eric Nuqui, matagal na nilang minamanmanan ang ilegal na operasyon sa lugar kung saan ikinukubli anya ang mga babae sa mga barung-barong bago ibugaw sa mga naka-check in sa kalapit na motel.
Nabatid na pawang mga biktima ng Bagyong Yolanda mula sa Samar ang mga ibinubugaw na babae at apat sa mga nasagip ang sinasabing menor-de-edad.

Lima sa mga itinutu­ring na mga bugaw ang dinakip ng mga otoridad ang nasa kustodiya ng NBI at inihahanda na ang kasong isasampa sa kanila.

 

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

BAGYONG YOLANDA

CALOOCAN CITY

CHIEF ERIC NUQUI

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAMAR

SIYAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with