^

Police Metro

Globe naglunsad ng pinakamalaking mobile recycling program

Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang makalikha ng kaalaman sa tamang disposal ng electronic waste (e-waste) at maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran ay inilunsad ng Globe Telecom ang pinakamalaking mobile recycling program sa Pilipinas na tinawag na Project 1 Phone.

Umaasa ang Globe na susuportahan ang kampanya ng may 45 milyong subscribers nito sa buong bansa.

Ayon kay Yoly Crisanto, SVP-Globe Corporate Communications na tumutulong ang Globe na masolusyunan ang problema sa pamamagitan ng Project 1 Phone na nagpapalaganap sa tamang pagtatapon ng mga sirang mobile phones, tablets, chargers at baterya upang mapigilan ang peligrosong  epekto nito sa kalusugan at mabawasan ang greenhouse gas emissions. 

 Sa report ng United Nations Environment Prog­ramme na may pamagat na  “Recycling – from E Waste to Resources,” pinangangambahang umakyat sa 500 percent ang  volume ng e-waste na itinatapon sa buong mundo sa susunod na dekada.

Naiulat naman ng DoSomething.Org na may 20 hanggang  50 million metric tons ng e-waste ang itinatapon sa buong mundo kada taon kung saan 12.5 percent lamang ang nire-recycle.

Para sa pagsisimula ng kampanya, ang Globe ay maglalagay ng recycle bins sa 21 Globe stores na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Para sa kumpletong talaan, bumisita lamang sa Globe Telecom website  http://www.globe.com.ph/globebridgecom).

Ang Project 1 Phone ay ikalawang nationwide mobile recycling campaign ng Globe matapos ang iRecover, iRecycle Program na isinagawa noong 2011.

 

ANG PROJECT

AYON

E WASTE

GLOBE

GLOBE CORPORATE COMMUNICATIONS

GLOBE TELECOM

UNITED NATIONS ENVIRONMENT PROG

YOLY CRISANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with