^

Police Metro

Matapos mawala ng 10 araw... Kinaroroonan ng bangkay ng dalagita sinabi sa text

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumuho ang pag-asa ng isang pamilya na makikita pa nilang buhay ang kanilang 16-anyos na dalagita matapos na makatanggap ng isang text message sa hindi nagpakilalang sender na nagtuturo kung saan matatagpuan ang pinag­libingan ng bangkay nito sa Barangay San Antonio, Noveleta, Cavite kahapon ng  umaga.

Sa tulong ng isang text message mula sa hindi nagpakilalang sender ay  nagtapos ang 10 araw na paghahanap ng pamilya nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Karen Aguirre na nakalagay sa sako at bahagyang nakabaon sa madamong bahagi ng lugar.

Ang biktima ay may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa leeg na hinihinalang ikinamatay nito.

Magugunita na noong  Agosto 14 pa nang iulat ng mga magulang ng biktima ang pagkawala nito hanggang sa may mag-text sa kanila kung  saan matatagpuan ang bangkay.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang pamilya at natunton ang pinaglibingan ng biktima.

Ayon din sa pulisya, na kamakailan ay natagpuan din ang bangkay ng kaibigan ng biktima sa Brgy. Sta. Rosa, Noveleta.

Noong Hulyo 31 ay napaslang ang isang la­laki na most wanted ng Noveleta na umano’y kaibigan ng dalawang dalagitang biktima.

Inaalam na ng mga otoridad kung may koneksiyon sa isa’t isa ang tatlong insidente ng pamamaslang lalo at ang lugar na kinatagpuan sa bangkay ni Aguirre ay likod bahay lang ng napatay na most wan­ted.  

vuukle comment

AGOSTO

AGUIRRE

AYON

BARANGAY SAN ANTONIO

BRGY

CAVITE

KAREN AGUIRRE

NOONG HULYO

NOVELETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with