^

Police Metro

Tsinoy timbog sa P15-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga otoridad ang isang Tsinoy sa isang shabu buy bust operation at nasamsam dito ang may 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon naganap kahapon ng hapon sa  Brgy.Commonwealth, Quezon City.

Ang suspek ay kinilala sa pamamagitan ng driver license na si Xu Zhen Zhi ng 136 Ongpin St., Binondo, Maynila.

Bago ang pagkakadakip sa suspek sa parking lot ng isang fast food sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kanto ng Philcoa dakong alas-3:30 ng hapon ay nakipagtransaksyon ito sa poseur buyer ng pulis para sa pagbili ng isang kilo ng shabu.

Nang magpalitan ng items ay dito na inaresto ang suspek at nang rekisahin ang sasakyan nito na kulay chocolate brown na Toyota Vios na may conduction sticker na YA879 ay narekober pa ang isang kulay itim na garbage bag na naglalaman ng shabu na umaabot sa 10 kilo.

vuukle comment

BINONDO

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

MAYNILA

NANG

NATIMBOG

ONGPIN ST.

QUEZON CITY

TOYOTA VIOS

XU ZHEN ZHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with