^

Police Metro

Ubusan ng lahi: 7 dedbol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang pito katao makaraang magbakbakan ang dalawang magkalabang angkan sa Lower Cabeng­ beng, Sumisip, Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report na natanggap ng Philippine Army, tinukoy na ang grupo nina Abubakar Pala­man at Jabbar Sandiki ang sangkot sa clan war.

Nabatid na muling nagsagupa ang magkalabang angkan sa nasabing lugar na ikinasawi ng apat mula sa grupo ni Palaman at tatlo naman mula sa angkan ng mga Sandiki.

Sa tuwing magkakasalubong umano ang landas ng dalawang angkan ay palaging nauuwi sa patayan ang mga ito.

Lumikas naman ang nasa 1,050 pamilya mula sa mga naapektuhang lugar sa Brgy. Upper Cab­ling, Sapa Bulak, La­nguyan, Mebak at Etub-Etub sa takot na madamay sa clan war.

Sa kasalukuyan, pumagitna na ang tropa ng Joint Task Force Basilan upang mapigilan ang posible pang pagpapanagupa ng magkalabang angkan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ABUBAKAR PALA

BASILAN

BATAY

JABBAR SANDIKI

JOINT TASK FORCE BASILAN

LOWER CABENG

PHILIPPINE ARMY

SAPA BULAK

UPPER CAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with