Half cup rice lang ang pwedeng ibenta sa QC
MANILA, Philippines - Bilang pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa awareness campaign ng International Rice Research Institute (IRRI) at Food and Nutrition Research Institute ng DOST na tinawag na “Eat your Rice right and Save Lives” ay isang panukalang ordinansa na nag-uutos sa mga food industry na kalahating tasa lamang o half cup rice lamang ang dapat ibebenta sa kada customer na oorder ng pagkain na may kanin.
Sa ulat ng IRRI may P23 milyong halaga ng kanin sa isang araw sa bansa ang nasasayang lamang o P8 bilyong halaga ng bigas sa isang taon na sapat nang ipakain sa may P4.3 milyong Pilipino.
Para makaiwas sa pagkasayang ng kanin ay kailangan umanong tamang dami lamang ng kanin ang maaaring ihain sa bawat serving sa mga food service industry sa QC sa lungsod.
- Latest