^

Police Metro

Mag-utol nilamon ng lupa

Mer Layson, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang isang magkapatid matapos na matabunan ng lupa ang kanilang bahay  sa naganap na landslide kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang magkapatid na sina John Michael Amor, 6-buwang gulang at Rey Amor, 3, kapwa residente ng Sitio Banbanin,  Lukutang Maliit, Barangay San Isidro ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw ay nasa kasarapan ng tulog ang pamilya Amor nang mangyari ang pagguho ng lupa na tumabon sa kanilang bahay.

Ang pagguho ng lupa ay kasunod nang walang tigil na pagbuhos ng ulan, sa lalawigan kung kaya’t lumambot ang lupa.
Pasado alas-5:30 na ng umaga nang marekober ang katawan ng
magkapatid na kaagad dinala sa Casimiro-Ynares Sr. Memorial Hospital, subalit namatay din ito.

vuukle comment

BARANGAY SAN ISIDRO

BATAY

CASIMIRO-YNARES SR. MEMORIAL HOSPITAL

JOHN MICHAEL AMOR

KINILALA

LUKUTANG MALIIT

NALIBING

PASADO

REY AMOR

SITIO BANBANIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with