4 pulis na bihag ng NPA, prisoners of war na
MANILA, Philippines - Ginawang prisoners of war (POW) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang apat na pulis na kanilang binihag nang atakihin nila ang Alegria Municipal Police Station (MPS) noong Huwebes ng hapon sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Patuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga bihag na sina PO3 Vic Concon, PO1s Rey Morales, Joen Zabala at Edito Roquino; pawang kasapi ng Alegria Municipal Police Station (MPS).
Kasalukuyan ay wala pang natatanggap na demand mula sa grupo ng mga rebeldeng bumihag sa apat na mga pulis.
Magugunita na inatake noong Huwebes ng mga NPA ang Alegria MPS na kung saan ay tatlong rebelde ang napatay, dalawang pulis ang nasugatan na sina PO2s Romero Dagsa at Reuben Salino at nabihag ang nabanggit na apat na pulis habang nakatangay rin ng anim na mga armas ang mga rebelde mula sa nakubkob na himpilan.
- Latest