^

Police Metro

Enrile inaatake ng hypertension

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Chief Supt. Alejandro Advincula, Director ng PNP Health Service na delikado ang umaatakeng hypertension kay Senador Juan Ponce Enrile na posible nitong ikaparalisa.

Kaya naman ay mahigpit na tinututukan ng mga doktor ng PNP Ge­neral Hospital ang blood pressure ni Enrile dahilan mayroon itong chronic o uncontrolled hypertension.

Ayon kay Advincula, kailangang bantayang mabuti at imonitor ang kalagayan ng 90-an­yos na Senador dahilan bigla -bigla na lamang itong tumataas ang blood pressure na umaabot ng 200/90 na kapag hindi nabantayan ng husto ay maari niya itong ikaparalisa o ikamatay.

Sinuri rin  kahapon ng medical team ng Philippine General Hospital (PGH) ang kondisyon ng kalusugan ni Enrile matapos ang mga itong magtungo sa Camp Crame kahapon.

Nabatid na ang medical report ng mga doktor ng PGH ang magsisilbing basehan ng 3rd Division ng Sandiganbayan upang desisyunan kung ididitine sa  piitan si Enrile o isasailalim ito sa “hospital arrest”.

Si Enrile ay mananatili muna pansamantala sa PNP General Hospital hangga’t wala pang commitment order ang Sandiganbayan.

Samantalang nasa 20 iba’t ibang klase naman ng tabletas ang iniinom ni Enrile kada araw kabilang na ang para sa kaniyang hypertension.

Sakali anya na mu­ling tumaas ang blood pressure ni Enrile nga­yong araw ay hindi muna ito papayagan na du­malo ito sa pagbasa ng sakdal sa kasong plunder sa  Sandiganbayan.

 

ALEJANDRO ADVINCULA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

HEALTH SERVICE

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SANDIGANBAYAN

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with