^

Police Metro

Sumuko sa NBI Miyembro ng TGP, witness ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay ng Department of Justice (DOJ) ang isang miyembro ng Tau Gamma Phi (TGP) fraternity na kasamang nagsagawa ng initiation rites sa nasa­wing si DLSU-St. Benilde College student Guillo Servando.

Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima hindi nila maaa­ring ibunyag ang pa­ngalan ng  state witness na sumuko kamakalawa sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon dito nasaksihan niya ang  initiation rites  kay Servando at handa umano nitong idetalye ang kanyang nalalaman sa naganap na  hazing.

Nagsumite na rin ng kanilang affidavit   ang iba pang  hazing victims na sina  John Paul Raval at Lorenze Agustin. Hinihintay pa rin ng mga otoridad ang  affidavit ng ikaapat na biktima.

 Kabilang sa mga  miyembro ng TGP  na sinasabing sabit sa ha­zing ay sina Tau Gamma chapter president Cody Morales, master initiator Emeng Calupas, fraternity secretary Daniel Martin Bautista, Pope Bautista, Hans Tama­ring, Trex Garcia, Kevin Navoa, at Carl Floresca.

Kinumpirma din ni  Immigration   Commissioner Siegfed Mison na nakaalis na ng bansa ang isa sa mga  suspek sa ha­zing na si Navoa.

 Batay sa record, uma­lis ng bansa si Navoa  patungong Estados Unidos noong Hulyo 1, tatlong araw matapos na mangyari ang hazing  noong Hunyo 28 sa  Calatagan St. Bgy. Palanan, Makati City.

 Tiniyak naman ni Mison na nasa bansa  pa ang ibang  suspek sa hazing.

 Hindi naman umano maaaring pigilan ang sinuman na  umalis ng bansa kung walang  hold departure order mula sa korte. Wala din naman umano silang natatanggap na anumang  reklamo laban sa mga suspek.

Maaari anya na paba­likin sa bansa si Navoa kung kakanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA)  ang kanyang pasaporte.

CALATAGAN ST. BGY

CARL FLORESCA

CODY MORALES

COMMISSIONER SIEGFED MISON

DANIEL MARTIN BAUTISTA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

NAVOA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with