^

Police Metro

Solon-Mag-ingat sa pagbansag sa JDF na pork barrel

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng paalala si ABAKADA partylist Rep.Jonathan Dela Cruz na huwag maging padalus-dalos na bansagan ang Judiciary Development Fund (JDF) bilang “pork barrel” ng Korte Suprema.

“Huwag nating kalimutan na ang paggamit ng JDF ay mayroong malinaw na hangganan tungo sa pakay nitong pagpapalakas  ng propesyonalismo  at independence o kasarinlan  ng judiciary o hudikatura.

“Limitadong-limitado ang kapangyarihan ng Chief Justice o ng buong Korte Suprema sa paggamit ng JDF at ito naman ay inaaudit din” puna ni Dela Cruz.

Pinuna rin ni Dela Cruz  na ang JDF ay para sa libung-libong korte at mga empleyado ng mga ito sa buong bansa at hindi para sa Korte Suprema lamang.

“Kaya’t sa halip na busisiin  ito bilang “pork barrel” matapos ideklara ng Korte Suprema  na labag sa Konstitusyon  ang DAP, mas maganda para sa lahat na rin kung tanungin na lamang ang mga dapat makinabang kung natanggap nila ang para sa kanila.

“Mas makakabuti rin kung tingnan na lamang nang derecho ang mga na-audit nang records ng JDF upang makita kung naaayon sa mga alintuntunin ang pagpapatakbo nito”,ayon kay Dela Cruz.

Pinuna rin ni Dela Cruz ang Korte Suprema sa pagtatanggol nito sa Konstitusyon  sa pagdedeklara nitong unconstitutional ang DAP.

“Sa kabila ng mga diumano’y panggigi­pit  ng iba’t ibang sektor  at nilalang na may kaugnayan umano sa Malacañang, pinandigan ng Korte Suprema  ang katarungan at ang Kons­titusyon.

“Huwag sanang kali­mutan ng Sambayanan na ang “good faith” o paniniwala na legal ang isang  bagay nang isagawa ito ay hindi dahilan para hindi managot sa paglabag sa batas ang may kagagawan.

“Tulad nga ng sinasaad ng kasabihan, ang batas ay dapat na ipatupad sa lahat ng nilalang. Kung hindi wala na lang dapat batas”,dagdag ni Dela Cruz.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE

DELA CRUZ

HUWAG

JONATHAN DELA CRUZ

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

KONSTITUSYON

KORTE

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with