FVR dumalaw kay JPE
MANILA, Philippines - Dumalaw kahapon si dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) kay Senador Juan Ponce Enrile (JPE) na nakapiit sa PNP General Hospital sa Camp Crame sa Quezon City.
Ayon kay FVR, in good spirit naman anya si JPE, bagama’t may problema itong medikal, lalo na ang mataas na blood pressure at sakit sa mata.
Sabi pa ni FVR, nasa ilalim naman ng maayos na medical monitoring ang kanyang kalusugan ng mga medical services ng PNP.
“Don’t worry, brother Eddie,” sabi anya ni Enrile, “this is only in passing. I think we can handle it.”
“Sabi ko, if you say so that this in passing and that you can handle it, I’m sure that you can be successful and that you can handle it just like the other events in your life.” sabi ni FVR.
Alas-3:00 ng hapon nang dumalaw si FVR kay Enrile kung saan tumagal lamang ito ng isang oras.
- Latest
















