^

Police Metro

Sekyu dedo sa kabaro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng dalawang sekyu ang usapin ukol sa iskedyul ng kanilang trabaho nang sila ay magduwelo sa baril  kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead on the spot dahil sa maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .38 baril ang biktima na si Allan Monilla, nasa hustong gulang, ng Santo Niño, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City.

Agad naaresto ang suspek na si Dante Da­ngalan, 37, ng Yellow Ville, Welfare Ville, Mandalu­yong City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:25 ng umaga sa loading area ng Union Bank, na matatagpuan sa kanto ng Makati Avenue at Durvan St., Barangay Poblacion ay kapwa sekyu ang biktima at suspek sa naturang establisimiyento.

Nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo tungkol sa iskedyul ng duty ng kanilang trabaho hanggang kapwa nagbunot ng kanilang mga baril na kung saan ay nakauna si Dangalan at pagbabarilin nito si Monilla.

Agad naaresto ang suspek nang dumating ang mga pulis.

 

vuukle comment

ALLAN MONILLA

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN MARTIN DE PORRES

DANTE DA

DURVAN ST.

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

SANTO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with