NPA lider, huli
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Tabangaoen Balili, La Trinidad, Benguet nitong Miyerkules.
Kinilala ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Isagani Nerez ang suspect na si Corsio Ganima alyas Ka Tribal/Toyob, 55, tubong Mountain Province.
Ani Nerez, si Ganima ay may patong sa ulo na P1.8M para sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon kapalit ng kanilang pagkakaaresto.
Si Ganima ay tumatayong Commanding Officer ng Kilusang Larangang Guerilla na nag-o-operate sa mga bulunbuduking hangganan ng Abra, Mt. Province at Ilocos Sur.
Si Ganima ay nahaharap sa anim na ulit na kaso ng murder na inisyu ni Judge Artemio Marero, PresiÂding Judge ng Regional Trial Court(RTC), Branch 35 sa Bontoc, Mt. Province at rebelyon na inisyu naman ni Judge Manuel Bragado ng RTC Branch 35, Bontoc, Mt. Province.
Sangkot din umano ang suspect sa pananambang at pagkakapatay sa siyam na sundalong lulan ng convoy ng military vehicle noong Hulyo 14, 2003 sa highway ng Brgy. Talubin Tucucan, Mt. Province.
- Latest