^

Police Metro

Militar nabawi ang 45 piraso na AK 47 assault rifles sa NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng otoridad na ang naba­wing 45 piraso na AK 47 assault rifles ay bahagi ng mga nawawalang mahigit 1,000 na nabigyan ng lisensya ng PNP na napasakamay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa CARAGA Region.

Ayon kay Captain Alberto Caber, Chief ng Public Affairs Office ng AFP-Eas­tern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) lima sa nakumpiskang modernong AK-47 assault rifles ay nakumpirmang parte ng mga nawawalang baril.

Subalit, sinabi ni Caber na pawang ‘tampered’ na ang mga serial number kaya mahihirapan silang matukoy kung ito ay kabilang sa pinaghahanap na nawawalang mga armas   na sinasabing napunta sa kamay ng NPA rebels.

Ang naturang mga armas ay narekober umpisa pa noong huling bahagi ng 2013 hanggang sa kasalukuyan sa serye ng engkuwentro ng tropa ng militar at ng NPA rebels partikular na sa CARAGA Region  kung saan sinasabing naikalat ang naturang mga AK 47 assault rifles na nabili pa galing sa bansang Russia.

Ang iba sa nasabing mga armas ay nakumpiska naman sa iba pang bahagi ng Eastern  Mindanao kabilang na sa pinamumugarang lugar ng mga rebeldeng NPA sa Cotabato.

Ang iba naman naba­wing AK 47 rifles ay isinu­render ng mga nagsisukong rebelde  mula sa CARAGA Region na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Pinakahuli sa nasamsam na mga armas ay apat na AK-47 assault rifles na nakuha naman ng Army’s 30th Infantry Battalion sa 20 minutong pakikipagbakbakan sa NPA rebels sa Brgy. Cambuayon, Bacuag, Surigao del Norte noong Hunyo 8. Ang nasabing matataas na kalibre ng baril ay positibong natukoy na kabilang sa 1,004 na nawawalang mga armas.

AGUSAN

CAPTAIN ALBERTO CABER

INFANTRY BATTALION

MINDANAO COMMAND

NEW PEOPLE

NORTE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with