^

Police Metro

Walang pambayad sa ilaw, tubig at upa ng bahay, nagbigti

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa walang pera na pambayad sa upa ng kanyang bahay, ilaw at tubig ay tinapos ng isang lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jimson Barruga, 31, residente ng De Galicia St., Brgy. Maysan sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-4:50 ng hapon nang makita ang biktima na nakabigti ng nylon cord at nakaluhod sa loob ng kanilang bahay ng live-in partner nitong si Annalyn.

Humingi ng tulong si Annalyn sa kapitbahay at pinagtulungan kalasin ang nylon cord sa leeg ng biktima at dinala sa Valenzuela General Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Annalyn, bago ang pagpapakamatay ng biktima ay laging mainit ang ulo nito dahil sa problema sa mga bayarin.

vuukle comment

ANNALYN

AYON

BATAY

BRGY

DAHIL

DE GALICIA ST.

HUMINGI

JIMSON BARRUGA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with