^

Police Metro

Sinasakyang tricycle sinalpok ng van... mag-ina na pa-iskul todas sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang unang araw ng balik-eskwela matapos na masawi ang isang mag-ina habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng mabangga ang sinasak­yan nilang tricycle na papuntang eskwelahan ng isang van kamakalawa sa San Fabian, Pangasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ang Grade 1 pupil na si Kyle Pugong,7-anyos dahil sa matinding sugat sa ulo habang ang ina nito na si Gemma ay binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nasugatan naman sina Aivy Dispo, 12 anyos, Grade VII at  Leslie Biagtan Laceste, 11, Grade VI at pawang residente ng Brgy. Angio ng ba­yang ito.

Sa ulat na nakara­ting kay Pangasinan Police Director P/Sr. Supt. Sterling Blanco, dakong alas-12:30 ng tanghali ay kasalukuyang sakay ang mga biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Rafe Dismaya  at binabaybay ang kahabaan ng Osmeña Road, Brgy. Angio nang maganap ang aksidente.

Sa salaysay ng suspek na kinilalang si Brgy. Chairman Rogelio Hufana, kasalukuyang minamaneho niya ang kanyang van (WTT-942) nang aksidente nitong mabunggo ang tricycle ni Dismaya.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima kung saan napuruhan sa ulo ang nasawing si Kyle.

Nasa kustodya ng pulisya ang suspek at ang van nito at inihahanda na ang kasong kriminal.

vuukle comment

AIVY DISPO

ANGIO

BRGY

CHAIRMAN ROGELIO HUFANA

DAGUPAN CITY

KYLE PUGONG

LESLIE BIAGTAN LACESTE

MEDICAL CENTER

PANGASINAN POLICE DIRECTOR P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with