^

Police Metro

Palawan airport gagawing world class

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakamit ng isang South Korean firm na Kumho Industrial Co. Ltd. at GS Engineering & Construction ang $82.9 milyon kontrata upang i-upgrade ang airport ng isang lugar sa bansa na dinadayo ng mga turista.

Ayon kay Ed Ahorro, pangulo ng Puerto Princesa Tourism Council, labis
silang nasisiyahan na mapapalitan na ang kanilang lumang paliparan ng
isang moderno at world-class na airport, kung saan magiging kumportable at walang mairereklamo ang mga biyahero.

Kaya naman ay pinasalamatan ni Puerto Prin­cesa City Mayor Lucilo  Bayron si DOTC Secretary Joseph Abaya sa
pag-a-award ng kontrata ay matutuloy na rin ang matagal na nilang pinakamimithing airport modernization project, na kinabibilangan ng kons­truksyon ng bagong air navigation system, connecting taxiways.

Nabatid na sa ngayon ang airport terminal ng Puerto Princesa ay may
carrying capacity na 350,000 passengers lamang kada taon, ngunit sa
record, noong 2013 ay umaabot sa 1.35 million travelers ang kinaila­ngang i-handle ng paliparan na lampas sa kapasidad nito, sanhi upang hindi maging kompor­table ang mga pasahero nito.

Sa sandali umanong maging operatio­nal,maka­kayanan ng bagong airport
complex na mag-accommodate ng hanggang da­lawang milyong pasahero
taun-taon.

vuukle comment

CITY MAYOR LUCILO

ED AHORRO

KUMHO INDUSTRIAL CO

PUERTO PRIN

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA TOURISM COUNCIL

SECRETARY JOSEPH ABAYA

SHY

SOUTH KOREAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with