^

Police Metro

2 Koreano ipinatumba ng kanilang amo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang Koreano ang pinagbabaril ng tatlong gun for hire batay sa utos ng kanilang amo na Koreano at pagkatapos ay  itinapon sa tulay kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. Iba, Silang, Cavite.

Nasawi noon din si Yang Kwang Sung, 31, dahil sa tama ng bala sa ulo habang masuwerteng nakaligtas ang kasama nito na si Inseong Jeong, 30, binata matapos na magpanggap na patay.

Pinaghahanap naman ang tatlong gunman na kinilalang sina Chester Dela Cruz; isang alyas Allan Jay at isang alias Estoot. 

Agad naaresto ang umano’y utak na sina Shim Beom Sik, 42, na isa ring Koreano at live-in nitong si Ma. Theresa Kaycee Salvador, 25, kapwa nakatira sa Taha­nan Village, BF Homes, Parañaque City.

Sa salaysay ni Jeong, ala-1:00 ng madaling-araw noong Lunes ay isinakay sila sa Toyota Fortuner ng amo  at itinigil ito sa tapat ng Puregold Grocery sa Parañaque.

Ilang minuto ay may dumating na isang Mercedez van sakay ang tatlong suspek at inilipat ang dalawang biktima sa van  at dito ay pinagtulungan gapusin at bugbugin ang dalawang biktima saka tinalian sa leeg at binigti hanggang mawalan ng malay tao.

Naramdaman na lamang umano ni Jeong na tumigil ang sasakyan at inihulog sila ng mga suspek at bago umalis ay pinagbabaril sila ng mga ito.

ALLAN JAY

CHESTER DELA CRUZ

DALAWANG KOREANO

INSEONG JEONG

JEONG

KOREANO

PUREGOLD GROCERY

SHIM BEOM SIK

THERESA KAYCEE SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with