^

Police Metro

Hindi ako bakla - Lacson... Miriam: Lacson magpapa-sex change

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balak umanong sumailalim sa “gender change operation” si rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ang buwelta ni Senator Miriam Defensor-Santiago  matapos na ibunyag na  kasama ang pangalan niya sa listahan ni Janet Lim-Napoles na diumano’y tumanggap ng kickbacks mula sa kanilang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Santiago, kahit naman sino ay maa­ring gumawa ng listahan at may nakarating sa kanyang impormasyon na tungkol sa listahan na may pamagat na “clo­seted gays or bisexuals in public service”.

Muli ring tinawag na “Pinky Lacson” ni Santiago ang dating kasamahan sa Senado na kabilang umano sa nasabing listahan ng mga “closeted gays or bisexuals in public service”

Sinabi pa ni Santiago na mayroon ding affidavit na bagaman at walang lagda ay kumakalat sa Metro Manila na nagsasabing maghahain ng leave of absence si “Pinky Lacson” upang magbakasyon sa Malacañang at magtungo sa isang remote clinic sa United States upang sumailalim sa sex change o pagpapabago ng kasarian.

Samantala, itinanggi ni Santiago na nagkaroon siya ng transaksiyon kay Napoles  at hindi aniya maaring gamiting ebidensiya ang sinasabing listahan na walang lagda.

Muling tinawag ni Santiago na attack dog ni Se­nate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Lacson kaya isinama ang kanyang pangalan sa sinasabing listahan ni Napoles.

Mariing itinanggi ni Lacson na isa siyang bakla na bagaman at hindi niya gustong ma-offend ang mga  gays sa buong mundo, wala siyang balak na maging bakla o bading.

“For the nth time, I am not gay. No offense to all the gays in the world, but I do not intend to be one,” sabi ni Lacson.

Sinabi pa  ni Lacson pinayuhan siya ng isa niyang dating ka-klase na isa na ngayong psychiatrist na huwag papatol sa isang baliw dahil nakakahawa ito.

Umaasa din umano si Lacson na makukuha agad ni Santiago ang listahan ni pork barrel fund scam whistle blower Benhur Luy at tiyak na magugugulat ito sa kanyang makikita.

Una nang inihayag ni Lacson na kabilang ang pangalan ni Santiago sa listahan na ibinigay sa kanya ng asawa ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy at nakasaad ang pangalan ng iba pang pulitikong nakinabang sa pork barrel fund scam.

 

vuukle comment

ASSISTANCE FUND

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

LACSON

LISTAHAN

METRO MANILA

MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

PINKY LACSON

SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with