^

Police Metro

Misis ayaw makipagbalikan pinatay ng mister

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang mister ang kanyang misis nang tumanggi ito na sila ay muling magbalikan matapos na hiwalayan ng huli ang una dahil sa pananakit naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na natagpuang patay dahil sa mga saksak sa dibdib ay kinilalang si Patricia Andrea Zamora, 30, fastfood crew.

Ang suspek ay ang mister nitong si Joseph Divino, 3, massage therapist ng Block 3, Lot 23, Champaca St., Brgy. Pasong Putik ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa computer shop na pag-aari nito.

Bago ang krimen ay inireklamo ng biktima ang mister noong April 27, 2014, sa barangay dahil sa umano’y pambubugbog kayat noon din ay nagpasya ito na hiwalayan ang mister.

Noong Linggo ng alas-7:00 ng gabi ay du­malaw ang suspek sa bahay ng biyenang babae na si Vi­vian Atanza na nasa tabi lamang ng computer shop na tinitirhan ng biktima at inimbita para sa isang hapunan, subalit tinanggihan.

Ilang oras lang ang nakakalipas ay dumating ang 11-anyos na anak ng babae ng biktima at may inabot na sulat kay  Aling Vivian at nang buksan ay nakasulat ang katagang “wala na si Mommy.”

Agad na nagpunta si Aling Vivian sa computer shop na tinutuluyan ng anak, pero nakasarado kaya’t humingi ng tulong sa mga barangay at nang mabuksan ang pinto ay tumambad ang wala nang buhay na biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa crime scene ang isang piraso ng basag na bote na ikinakabit sa jalousie ng bintana, kulay gray na polo shirt na natukoy ni Aling Vivian na suot ng suspek nang gabing magpunta ito sa kanilang bahay at isang itim na relo.

 

ALING VIVIAN

ATANZA

CHAMPACA ST.

JOSEPH DIVINO

NOONG LINGGO

PASONG PUTIK

PATRICIA ANDREA ZAMORA

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with