Bus hulog sa kanal: 3 todas, 14 sugatan
MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang naaksidenteng nahulog sa isang malalim na kanal na ikinasawi ng tatlo katao at pagkasugat ng 14 iba pa kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Beverly Palma, 22; Hilda Acobo, 29 at Jill Bacuyag, 19.
Habang nilalapatan ng lunas sa Bangui District HosÂpital ang 14 na biktima na inaalam pa ang mga pangalan.
Batay sa imbestigasÂyon, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang sakuna sa national highway ng Brgy. Saoit, Burgos ng lalawigang ito.
Nabatid na galing sa Cagayan at biyaheng Vigan City, Ilocos Sur ang GMW Bus (BVD- 621) na minamaneho ni Roel Trinidad nang aksidente itong mahulog sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway.
Sa salaysay ni TriniÂdad na may bumato umano sa kanyang windshield na naÂging dahilan kaya’t nawalan siya ng kontrol sa manibela at dumeretso sa kanal.
Ang driver ng bus ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple serious physical injuries and damage to property.
Ayon sa pulisya na ang naaksidenteng bus ay sister company ng Florida Bus na naaksidente at kumitil ng buhay ng 14 katao kabilang ang komedyanteng si Tado Jimenez sa Banaue Bontoc road sa Mountain Province noong nakalipas na Pebrero.
- Latest