^

Police Metro

Opisyal ng barangay todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa na namang opisyal ng barangay sa lungsod ng Caloocan ang pinagbabaril at napatay ng mga gun for hire na “riding in tandem”, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang pinakabagong biktima na si Ro­gelio Escano, 53-anyos, kagawad ng Barangay 44 at naninirahan sa P. Sevilla Street, sa naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, nagluluto sa loob ng Tony’s Restaurant sa may 8th Avenue ang biktima nang pasukin ng dalawang armadong salarin at pagbabarilin ang kagawad.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang mata ang biktima at agad na namatay habang mabilis na tumakas ang mga suspects.

Matatandaan naman na Miyerkules ng gabi nang pagbabarilin at mapatay rin si Kagawad Garry Moralla ng Barangay 181 habang nitong nakaraang Lunes ay ang hepe naman ng Department of Public Safety and Transportation Management unit-North na si Eduardo Balana ang pinagbabaril at napaslang.

Nananatiling blangko at walang naaarestong suspects sa sunud-sunod na krimen ang pamunuan ng Caloocan City Police.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRANSPORTATION MANAGEMENT

EDUARDO BALANA

ESCANO

ISA

KAGAWAD GARRY MORALLA

SEVILLA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with