25 nasugatan... gusali ng Army EOD natupok sa sunog
MANILA, Philippines - “Umulan ng mga bala sa sobrang lakas ng pagsabog sa gusali ng EODâ€.
Ganito isinalarawan ng ilang mga sundalo at bumbero ang nasunog na gusali ng Explosives and Ordnance Division (EOD) ng Army Support Command (ASCOM) sa Fort Bonifacio sa Taguig City kahapon ng umaga na ikinasugat ng may 25 katao na kinabibilangan ng sundalo at bumbero.
Sa ulat ni Lt. Col. Noel Detoyato, Spokesman ng Philippine Army, bandang alas-10:25 ng umaga nang magkaroon ng sunog sa gusali ng EOD ng ASCOM sa kahabaan ng Lawton AveÂnue.
Dito ay sunud-sunod na pagsabog ang narinig sa buong compound ng Philippine Army na kung saan ay nagtalsikan ang mga bala na tumama sa 16 katao kaya’t dinala ang mga ito sa Philippine Army General Hospital at ang iba ay sa V. Luna Hospital para malapatan ng lunas.
Noong una anya ay parang mga paputok lamang ang sumasabog, pero pagkaraan ng ilang minuto ay malalakas na pagsabog na ang sunud-sunod na yumanig sa lugar.
Mabilis na nagresponde ang mga bumbero at ambulansya sa Army Support Command na nasa kahabaan lamang ng Lawton Avenue ng Philippine Army Headquarters at dito ay nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa takot na pagsabog at tamaan sila ng mga shrapnel.
Idineklarang fireout pasado alas-12:00 ng tanghali ang sunog.
Patuloy ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang sunog at ayon sa hindi nagpakilalang mga opisyal ng Army ay posibleng ang sobrang init ng panahon kaya’t sumabog ang mga bala sa loob na pinagsimulan ng sunog.
- Latest